Binuksan na ang Ospital ng Maynila (OsMa) kasabay naman ng pagsasara ng Ospital ng Tondo.
Matatandaang 10 araw na isinara ang Ospital ng Maynila upang bigyang-daan ang disinfection matapos magkasakit ang ilang health workers.
Kasabay ng muling pagbubukas ng OsMa ang karagdagang hospital beds para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) na ngayon ay nasa 82 na mula sa dating 27.
Samantala, isinara naman ang Ospital ng Tondo upang bigyang-daan ang disinfection matapos na magpositibo sa COVID-19 ang mahigit sa 30 health workers ng ospital.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, magandang pagkakataon din ang pagsasara ng mga ospital upang makapagpahinga ang health workers. —ulat mula kay Aya Yupangco (Patrol 5)