Isa pang ospital sa Metro Manila ang nag-anunsyo na pansamantala munang hindi tatanggap ng mga bagong pasyente, simula ngayong araw Hulyo 31 hanggang Agosto 9.
Ayon sa pamunuan ng Ospital ng Maynila, tanging pananatilihin lamang nila ang mga dati na nilang pasyente at una nang sumailalim ng kanilang pangangalaga.
Paliwanag ng Ospital ng Maynila, bukod kasi sa puno na ang kanilang bed capacity ng mga COVID-19 patients ay nagsimula na ring kumalat ang sakit sa iba pang departamento ng opsital.
Sinabi ni Dr. Kare Kaye Uy, chief residente for internal medicine ng Ospital ng Maynila, matagal-tagal na rin aniyang okupado ang kanilang inilaan na dalawampu’t limang kama para sa mga COVID-19 patients.
Dagdag ni Dr. Uy, mas naging malala rin aniya ang sitwasyon sa Ospital ng Maynila sa nakalipas na dalawang linggo kung saan may ilang pasyenteng dinadala sa kanila ang dead on arrival (DOA) na.