Inatasan ni Defense Chief Delfin Lorenzana ang military hospitals at medical assets sa buong bansa na tumulong sa vaccination program ng mga lokal na pamahalaan.
Ayon kay Lorenzana, tutulong ang Armed Forces of the Philippines assets sa pag-deploy ng mga bakuna sa mga lalawigan kung saan may 11 barko na maaaring humakot ng mga ito.
Ibinahagi rin ng opisyal na mayroong 20 Philippine Army hospitals, walong Philippine Air Force hospitals, siyam na Philippine navy hospitals, at 11 mga ospital sa unified area commands.
Sinabi naman ni Pangulong Rodrigo Duterte na gagamitin ang lahat ng assets ng gobyerno upang makapaghatid ng mga bakuna sa malalayong lugar.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico