Muling binuksan ang ospital ng Sampaloc sa lungsod ng Maynila.
Ipinabatid ng Manila Public Information Office (PIO) na kahapon, ika-20 ng Abril, binuksan ang nasabing ospital bilang paanakan at para sa konsultasyon na rin ng mga sanggol at bata.
PUBLIC ADVISORY: Ang Ospital ng Sampaloc ay opisyal na nagbukas muli sa publiko ngayong Lunes, ika-20 ng Abril bilang paanakan at para sa konsultasyon ng mga sanggol at bata.#AlertoManileno pic.twitter.com/aHHaStLdOj
— Manila Public Information Office (@ManilaPIO) April 20, 2020
Una rito, ang ospital ng Sampaloc ay isinara nitong nakalipas na ika-4 ng Abril para mabigyang pagkakataon ang mga doktor, nurse at iba pang health workers nito para makabawi amula sa pagkakasakit at makapagsagawa na rin ng disinfection.
Samantala, tiniyak ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagsasailalim sa 48-hour total lockdown sa Sampaloc area anumang araw ngayong linggong ito, matapos itong makapagtala ng pinakamataas na kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod ng Maynila.