Limitado muna ang tatanggaping pasyente sa ospital ng Sampaloc sa Maynila.
Ito ay dahil sa isasagawang installation ng negative pressure system sa delivery room, operating room at intensive care unit ng pasilidad para ma isolate ng maayos ang mga pasyenteng mayruong nakakahawang sakit tulad ng COVID-19 at maagapan ang hawahan ng mga pasyente, watchers at maging medical staff.
Ayon kay Dr. Aileen Lacsamana, Director ng ospital ng Sampaloc ang hakbang ay pag-upgrade na rin ng kanilang COVID-19 ward upang magkaruon ng ICU capability para sa moderate at severe cases.
Bandang alas-8 kaninang umaga nang isara ang Dr, Or at ICU ng ospital at hanggang Hulyo 15 sarado ang mga nasabing bahagi ng ospital ng Sampaloc.