Balik na sa regular ang operasyon ng Ospital ng Tondo simula ngayong araw.
Ito ay matapos na pansamantalang isara ang ospital simula Mayo 11 hanggang 24, makaraan namang magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang ilang mga empleyado nito.
Ayon sa manila city Public Information Office, sumailalim sa terminal cleaning, disinfection, pest control at pagsasaayos ang ospital ng tondo para maging handa sa paghawak ng mga kaso ng COVID-19.
Batay sa datos ng pamunuan ng ospital, umabot sa labing tatlo ang bilang ng kanilang mga healthcare workers na nagpositibo sa COVID-19.
Tatlo sa mga ito ang ganap nang nakarekober sa sakit habang patuloy pa ring sumasailalim sa quarantine ang lahat ng mga nahawaang empleyado. —ulat ni Aya Yupangco (Patrol 5)