Mistulang naghihingalo na ang ospital ng Imus sa Cavite dahil sa kakulangan ng staff sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ito’y makaraang magpositibo sa COVID-19 ang sampung health care workers na naka-assign sa COVID ward ng pagamutan.
Ayon kay Jong Tuazon, Nursing Supervisor ng ospital ng Imus, napuwersa na ang mga natitirang staff na magtrabaho ng dose oras.
Kailangan pa anyang maghintay na makatapos sa quarantine ang mga nagpositibo nilang katrabaho.
Aminado si Tuazon na kahit naka-12 hour duty na, napilitan na rin nilang isara ang kanilang outpatient department sa loob ng dalawang linggo.
Nananatiling nasa full capacity ang emergency room, Intensive Care Unit at COVID-19 ward ng nabanggit na ospital.—sa panulat ni Drew Nacino