Umabot na sa full capacity ang isolation facilities sa lalawigan ng Laguna matapos sumirit ang kaso ng COVID-19.
Dahil dito, ipinabatid ni Dr. Cj Cofreros, facility manager ng Ligtas COVID Center sa Cabuyao, Laguna, nagpapatupad sila ng palit-ulo scheme kung saan kaagad mayroong kapalit ang isang pasyente na nakatakda nang i-discharge o lumabas.
Sinabi ni Cofreros na nagtalaga sila ng tao para mag-mando sa mga ipapalit sa mga lalabas na pasyente, depende sa mga makukuhang impormasyon mula sa mga naka-standby na pasyente.
Ganito rin aniya ang sistemang pinaiiral nila sa iba pang pasilidad sa bayan ng Calamba.