Handang handa na ang mga otoridad sa traslacion ng Itim na Nazareno ngayong araw.
7,000 mga pulis ang naka deploy sa kamaynilaan para masigurong magiging ligtas at maayos ang prusisyon.
Kahapon ay sinuyod ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang paligid ng simbahan at magiging ruta ng Traslacion para baklasin ang mga tindahan sa gilid ng daan.
Ginawa ito upang mapaluwag ang mga kalsada at mabigyan ng daan ang mga otoridad sa kanilang pagresponde sakaling magkaroon ng emergency.
Kaagapay naman Philippine National Police (PNP) sa paglalatag ng seguridad ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine Coast Guard (PCG).
Una nang sinabi ng PNP na wala silang namomonitor na anomang threat sa gaganaping pista ng Itim na Nazareno.
Mahigit 30 floating assets ng PCG nakaantabay na
Mahigit 30 mga floating assets ng Philippine Coast Guard (PCG) ang naka antabay para magbigay ng seguridad at ayuda sa gaganaping traslacion ng Itim na Nazareno.
Ayon kay PCG spokesman Capt. Armand Balilio, kasama sa mga floating assets ay ang dalawang barko ng PCG na naka antabay sa likod ng Quirino Grandstand.
Magsisilbi itong medical facility at evacuation sakaling magkaroon ng aberya sa ground.