Hindi na kailangang utusan pa ng Pangulong Rodrigo Duterte ang mga otoridad na kasuhan ang mga nasa likod ng Bikoy videos na nagdadawit sa first family sa illegal drug trade.
Binigyang diin ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos arestuhin ng NBI si Rodel Jayme, ang administrator ng website na nag share ng Bikoy videos.
Sinabi ni Panelo na tungkulin ng mga otoridad na kasuhan ang mga lumalabag sa batas.
Ang hihintayin na lamang aniya nila ay official report ng imbestigasyon kabilang ang mga ebidensyang nag uugnay kay Jayme sa isyu.