Nilinaw ng Lapu-Lapu City PNP na dati na nilang suspek sa pagpatay kay Christine Lee Silawan si Renato Llenes, bago pa man nila ito naaresto sa kasong illegal possession of firearms.
Ayon kay Lapu-Lapu PNP Chief Police Colonel Limuel Obon, posibleng kaya nagdala ng baril si Llenes ay alam nyang tinutugis na sya ng mga pulis.
Sinabi ni Obon na bigla na lamang umiyak si Llenes matapos itong maaresto at sinabing matagal na niyang gustong sumuko subalit natatakot sya na baka sya ay patayin.
Humingi na ng paumanhin si Llenes sa pamilya Silawan at iginiit rin nito na dapat nang palayain ang binatilyong ex-boyfriend di umano ni Christine dahil wala itong kasalanan.
Una nang inamin ni Llenes na siya ang pumatay at nagbalat sa bukha ni silawan upang hindi agad makilala ng otoridad.
Nagkakilala aniya sila sa Facebook at nagkasundong magkita nuong March 10.
Gayunman, tila nadismaya umano si Christine nang makitang iba ng kanyang itsura sa ginamit nyang profile picture sa Facebook.
Sinabi ni Llenes na nagalit sya nang tumangging makipagtalik sa kanya si Christine kaya’t sinaksak niya ito at binalatan ang mukha, gamit ang isang gunting.