Inilabas na ng Office of Transportation Security o OTS ang resulta ng imbestigasyon nito sa ‘tanim-bala scandal’ sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.
Ayon kay OTS Administrator Rolando Recomono, natuklasan nilang mayroong discrepancies o hindi pagkakatugma sa rekord ng mga pasahero na umano’y nahulihan ng bala.
Dahil dito, sinabi ni Recomono na sinibak nila ang 17 empleyado nito na sangkot sa naturang kontrobersiya.
Giit ni Recomono, kailangang ayusin na ang sistema sa paliparan partikular ang mga makina upang bumalik ang kumpiyansa ng publiko sa airport officials.
By Jelbert Perdez