Planong humirit ng karagdagang mga tauhan sa mga paliparan sa bansa ang Office for Transportation Security (OTS).
Kasunod ito ng kinakaharap ng ahensya kung saan, nagkakaroon ng kakulangan sa kanilang mga tauhan na ide-deploy sa iba’t ibang paliparan sa bansa.
Ayon sa OTS, halos 300 sa kanilang mga tauhan ang nabawas bago ang Holiday season bunsod ng iba’t ibang kadahilanan, kabilang na dito ang pagretiro at pagbitiw ng ilan dahil sa kakulangan ng suweldo.
Ang ilan pa sa mga nabawas na kawani ay napilitang mangibang bansa dahil sa pag-asang magiging mataas ang kanilang kita.
Sinabi ng ahensya na kailangang i-upgrade ang mga security screening checkpoint equipment sa mga paliparan partikular na ang mga nasa lalawigan para makasabay ang Pilipinas sa mga international standard ng mga equipment.