Wala pa ring maibigay na impormasyon ang Office of Transport Security (OTS) kaugnay ng apat na Pinay na naaresto sa Hong Kong na may dalawang 2.5 kilos ng coccaine.
Sa inisyal na impormasyon ng DWIZ patrol, ang apat ay dumating noong September 26 at sumakay ng commercial flight sa NAIA Terminal 3.
Hindi maipaliwanag ni OTS Administrator Roland Recomono kung paano nakalusot ang mahigit dalawang kilong coccaine na itinago sa kanilang hand carry bag.
Kasalukuyan nang inaasikaso ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kaso ng mga naturang Pinoy.
By Meann Tanbio | Raoul Esperas (Patrol 45)