Bumuwelta ang mga senatorial candidate ng oposisyon na ‘Otso Diretso’ sa mga patutsada sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kina Senador Bam Aquino, Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano at Human Rights Lawyer Chel Diokno, tila natatakot ang pangulo na makipag-debate ang mga kandidato ng administrasyon kaya’t idinaraan na lamang nito sa paninira ang pangangampanya.
Sinagot din nina dating congressman Erin Tañada at Atty. Romulo Macalintal ang mga batikos sa kanila ni Pangulong Duterte.
(Bam Aquino): Kaya niyo pong makita na hindi parin po sinasagot yung mahihirap na tanong.
(Gary Alejano): Sa tingin ko po yung mga kabastusan at panlalait sa mga kababayan natin at lalo na sa kababaihan, yun ang walang sense.
(Chel Diokno): Baka hindi niya napanood yung mga debate. Palagay ko ang taongbayan na ang manghusga kung sino ang may kakayahang magsalita at kung sino ang hindi.
(Erin Tañada): Masama ba para pumosisyon ka para sa mga mahihirap dito sa ating bansa?
(Rommy Macalintal): Bakit ang mga kandidato nila ay parang nagtatago sa saya ng pangulo?
Itinanggi naman ni dating interior secretary Mar Roxas na wala siyang nagawa maging ang akusasyon na balimbing siya.
Samantala, nagpasalamat naman ang kaisa-isang babaeng kandidato ng liberal party na si Samira Gutoc dahil sa pag-iwas ng pangulo na batikusin siya.
(Mar Roxas): Matagal na kong kilala ng mga kababayan natin sa paglilikha ng mga trabaho sa call centers. Halos isang milyon ang pumapasok diyan ngayon atsaka sa pagpapababa sa presyo ng mga gamot.
(Samira Gutoc): Salamat sir, baka may consideration ka sa akin pero when you extend a rape joke, it affects all.
—-