Minaliit ni Senador Richard Gordon ang bantang pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kapangyarihan.
Kasunod ito ng nadiskubreng palitan ng email ng ilang Filipino-American na di umano’y nagpaplanong ng destabilisasyon sa gobyerno.
Ayon kay Gordon, napaka-popular ngayon ng Pangulo kaya’t mahihirapan kung di man ay imposibleng matanggal sa puwesto ang Pangulo.
Aniya, kitang-kita sa nananatiling mataas na trust rating ng Pangulo ang suporta sa kanya ng taong bayan.
Bahagi ng pahayag ni Senador Richard Gordon
By Rianne Briones | Karambola