Siniseryoso ng House of Representatives ang nabunyag na plano di umano ng Estados Unidos na patalsikin si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez bagamat matibay ang kanyang paniniwala na malabo itong magtagumpay, nakakaalarma naman ang tila pakikialam na naman ng Amerika sa Pilipinas.
Tinukoy ni Alvarez ang nabunyag na may naiwan di umanong blue print si dating US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg hinggil sa ouster plot laban kay Duterte.
Bagama’t itinanggi na ito ng US Embassy, sinabi ni Alvarez na itutuloy nila ang imbestigasyon ng Kamara hinggil dito.
Bahagi ng pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez
By Len Aguirre | Karambola