Idineklara ng World Health Organization (WHO) na wala nang outbreak ng ebola sa West Africa.
Ito ay makaraang walang magpositibo sa ebola virus sa Liberia sa nagdaang 42 araw.
Tanging ang Liberia na lamang ang natitirang lugar sa West Africa na hindi pa natatapos ang outbreak ng ebola makaraang masugpo na ang virus sa Guinea at Sierra Leone sa nagdaang mga buwan.
Gayunman, sasailalim pa rin sa hightened surveillance ang Liberia upang makatiyak na wala nang lalabas na infected ng ebola virus.
Sa kabuuan, 28,000 katao ang dinapuan ng ebola virus sa Sierra Leone, Liberia at Guinea, 11,000 rito ang nasawi.
By Len Aguirre