Idineklara na ng World Health Organization (WHO) ang outbreak ng monkeypox kasunod ng pagkalat nito sa ibat ibang mga bansa na unang namataan sa Africa,
Ayon sa WHO, aabot sa halos 16, 000 individuals na ang naapektuhan ng monkeypox na mula sa 72 bansa.
Maituturing na umanong global health emergency ang pangyayaring ito at nararapat nang mailagay sa pinakamataas na alarma.
Unang nadiskubre ang naturang sakit sa mga unggoy kayat tinawag itong monkeypox na halos kahalintulad ng nakamamatay na smallpox virus, na agad rin namang nawala noong 1980.
Pero paglilinaw ng WHO, hindi ganun kalala ang epekto ng monkeypox kung ikukumpara sa smallpox na maaring mauwi sa pagpanaw.