Itinuturing ng Department of Health na isang public health emergency ang outbreak ng novel coronavirus 2019 kahit wala pang kumpirmadong kaso nito sa bansa.
Ito ay sa kabila na rin ng pahayag ng World Health Organzation na hindi pa ito maituturing na isang public health emergnecy of international concern.
Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, nais nilang siguraduhin na kung makapasok man ang sakit ay agad itong makocontrol at ma-isolate.
Samantala, nilinaw naman ng health official na hindi porket may trangkaso ay isa na itong kaso ng NCov.
Itinuturing na flu season ang Enero at Pebrero at tanging mga nanggaling sa China ang kailangang sumailalim sa mas masusing konsultasyon.