Nagdeklara ng outbreak para sa dalawang klase ng highly pathogenic bird flu ang China.
Batay sa nakuhang report ng World Organization for Animal Health sa Paris sa Agriculture Ministry ng China, naitala ang H5N6 bird flu outbreak sa isang duck farm sa Guangxi Province.
Ayon sa Chinese Agriculture Ministry, umaabot na sa halos 24,000 mga pato ang namatay sa nasabing farm dulot ng virus habang pinatay na rin ang mahigit na 6,500 nalalabing iba.
Samantala, naiulat din ang outbreak ng highly pathogenic H7N9 bird flu sa Shaanxi Province kung saan mahigit 800 ibon naman ang namatay.
—-