Ipinaalala ni outgoing Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Hernando Iriberri sa mga sundalo na manatiling non-partisan at tiyakin ang mayapang eleksyon sa Mayo 9.
Kasunod ito nang ginawang huling command conference ni Iriberri bago tuluyang mag retiro sa serbisyo bukas, Abril 22.
Si Iriberri na sampung buwang namuno sa AFP ang siyang nanguna sa paglalatag ng seguridad na ipinatutupad ng AFP ngayong eleksyon.
Kasabay nito, nagpasalamat si Iriberri sa senior leaders ng AFP at sa mga sundalo sa kanilang dedication, professionalism, sakripisyo at suporta sa kanyang liderato.
By Judith Larino