Pormal nang nagpaalam si Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, kay Senate President Franklin Drilon sa huling araw nito sa trabaho bilang Foreign Affairs Secretary.
Sinabi ni del Rosario na pinapahalagahaan niya ang kanilang pagkakaibigan ni Drilon at pinasalamatan din nito ang suporta ng liderato ng senado sa kanyang paggampan sa tungkulin bilang Foreign Affairs Secretary.
Kinilala naman ni Drilon ang dedikasyon ng kalihim at binati ito sa kanyang mga nagawa bilang kalihim, kasama ang pagpapalakas sa overseas absentee voting, pagpapatupad ng foreign policies at ang pagpapamalas ng katatagan sa West Philippine Sea, sa pamamagitan ng rule of law.
Ayon kay del Rosario, ngayong nagbitiw na siya bilang kalihim, kasama sa kanyang mga tututukan ay ang kanyang pamilya at kalusugan, at posible din na pumasok siya sa pagnenegosyo.
By Katrina Valle | Cely Bueno (Patrol 19)