Nagbigay pugay si Outgoing Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa mahigit 300 pulis na namatay sa pagganap ng kanilang tungkulin sa panahon ng administrasyong Duterte.
Ang pagkilala sa mga magigiting na pulis ay ginawa ni Año sa kanyang mensahe ng pamamaalam sa mga pulis sa flag-raising ceremony kahapon.
Sinabi ni Año na , 56 sa mga pulis na ito ay nasawi sa drug war, 160 sa anti-criminality campaigns at 91 sa pakikipaglaban sa mga teroristang komunista.
Kabilang sa mga tinukoy ni Año ay si Police Senior Master Sargeant Jason Magno, na nasawi nang takpan niya ng kanyang katawan ang isang granada na hinagis ng suspek upang hindi makapinsala ng mga mag-aaral sa Misamis Oriental noong November 2019.
Maging si Police Master Sargeant Conrado A. Cabigao Jr. Ng Police Regional Office (PRO) 4-A na nasawi sa isang buy bust operation noong june 2019; at si Police Captain Efren S. Espasanto na nasawi sa pakikipaglaban sa mga teroristang komunista.
Umaaasa naman si año na hindi masasayang ang pagbubuwis ng buhay ng mga magigiting na pulis, at nawa’y magsilbing inspirasyon para lalong pagbutihin ng mga pulis ang kanilang tungkulin para sa bayan.