Tinamaan ng COVID-19 si outgoing Parañaque City Mayor Edwin Olivarez.
Ayon kay Fernando Soriano, officer-in-charge ng Office of the City Administrator, asymptomatic ang Alkalde at naka-isolate na rin.
Fully vaccinated na aniya si Olivarez at nakatanggap na rin ng booster shot.
Nagsasagawa na ngayon ang City Epidemiology and Surveillance Unit ng contact tracing at mino-monitor na ang mga nakasalamuha ng Alkalde.
Pinayuhan naman ang mga naging close contacts ng Outgoing Mayor na obserbahan ang kanilang mga sarili, mag-isolate, at agad na humingi ng medical assistance sakaling makaramdam ng sintomas ng COVID-19.