Kinatigan ni outgoing PNP Chief Director General Ricardo Marquez ang binitiwang pahayag ni incoming PNP Chief Ronald Dela Rosa na gagamitin ang pwersa ng SAF Commando sa loob ng New Bilibid Prison.
Sinabi ni Marquez na bagamat saklaw ng Bureau of Corrections ang NBP, may mga pagkakataon na nakakapag-deploy din sila ng kanilang pwersa sa Special Action Force kapag ito’y hiniling sa kanila.
Inihalimbawa ni Marquez ang paghiling sa ilang pagkakataon ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP sa mga tauhan ng SAF Commando kapag may binabantayang mga high risk detainee.
Agad namang nilinaw ni Marquez na bahagi na ito ng trabaho ng mga pulis at temporary basis lamang aniya paghiram sa serbisyo ng mga SAF Commando.
By: Meann Tanbio