Pinapurihan ni Pangulong Benigno Aquino III si outgoing Philippine National Police (PNP) Chief Dir/Gen. Ricardo Marquez.
Sa isinagawang testimonial parade para kay Marquez, sinabi ng Pangulo na napabilib siya sa ipinakitang galing ng heneral dahil sa pagiging tapat at totoo nito.
Kinilala rin ng Pangulo ang mga nagawa ni Marquez tulad na lamang ng pagtitiyak sa seguridad ni Pope Francis at ng mga APEC leaders nang bumisita ang mga ito sa bansa.
Aminado ang Pangulo na nakapanghihinayang na mawala sa PNP ang isang tulad ni Marquez ngunit batid niya na hindi ito magtatagal sa serbisyo.
Vs. illegal drugs campaign
Ipinagmalaki ni Pangulong Benigno Aquino III ang lahat ng mga hakbang ng Pambansang Pulisya sa ilalim ng pamumuno ni outgoing PNP Chief Ricardo Marquez.
Kabilang dito ayon sa Pangulo ang pinalakas na kampanya ng pulisya kontra sa iligal na droga sa kabila ng pagkakasa ng Oplan Rody na patungkol naman kay incoming President Rodrigo Duterte.
Mula Hulyo ng taong 2010 hanggang Hunyo ng taong kasalukuyan, papalo na sa mahigit 130,000 na sangkot sa droga ang kanilang naaresto.
Papalo naman aniya sa P20 bilyong pisong halaga ng droga ang nakumpiska at 23 drug laboratories ang nabuwag ng PNP.
By Jaymark Dagala