Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na ikukunsidera ng susunod na administrasyon ang posibilidad ng paggamit ng nuclear power bilang isa sa mga energy source ng bansa.
Ito’y sa kabila ng nararanasang global oil crisis na resulta ng nagpapatuloy na Russia-Ukraine war.
Sa kanyang Talk to the People kahapon, aminado si Pangulong Duterte na ang paglipat sa nuclear power mula sa oil bilang energy source ay isang magandang ideya.
Gayunman, nagbabala ang Punong Ehekutibo na may kaakibat na peligro ang pagkakaroon ng nukleyar gaya ng nangyari sa Chernobyl Nuclear Power Plant sa USSR noong 1986.