Nagpulong na sina Executive Secretary Pacquito Ochoa Jr at incoming Executive Secretary Salvador Medial-Dea para masimulan na ang kanilang transition o pagsasalin ng trabaho
Ngunit sa kabila nito, inihayag ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma na marami pa ring ahensya ng gobyerno ang hindi pa rin tapos sa kanilang transition
Ito’y sa kabila aniya ng itinakdang deadline ng Presidential Transition Commission bago matapos ang buwan ng Hunyo
Umaasa naman si Coloma na matatapos din ang pagbalangkas sa lahat ng mga transition report bago tuluyang isalin ni Pangulong Noynoy Aquino ang kapangyarihan kay Pangulong halal Rodrigo Duterte sa Hunyo 30.
By: Jaymark Dagala