Pinangalanan ni Incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. bilang bagong mamumuno sa Commission On Audit (COA )si outgoing Solicitor General Jose Calida.
Ito ang inanunsyo ni Press Secretary-Designate Trixie Cruz-Angeles sa press briefing na idinaos ngayong araw sa BBM headquarters sa Mandaluyong City.
Mababatid na si Calida ay naging solgen sa ilalim ng Duterte administration at dati ring undersecretary ng Department of Justice.
Samantala, napili naman si Jose Arnulfo Veloso bilang Presidente at General Manager ng Government Service Insurance System (GSIS).