Handa si outgoing Senate President Tito Sotto na tumulong sa kampanya kontra iligal na droga ng susunod na administrasyon ni President-Elect Bongbong Marcos.
Ayon kay Sotto, noong Mayo 28 ay nagkausap na sila ni Marcos sa opisina nito makaraan siyang imbitahan.
Pinag-usapan anya nila ni PBBM ang maaari niyang maitulong sa pagsawata sa illegal drugs.
Tiniyak naman ni Sotto na maka-aasa ng tulong mula sa kanya si Marcos.
Gayunman, wala pang nabanggit ang senador kung may partikular na posisyon na ini-alok sa kanya ang susunod na pangulo. —sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)