Nagsimula nang mag-impake si Outgoing Vice President Jejomar Binay paalis ng kanyang opisina sa Coconut Palace sa Pasay City.
Ito’y bahagi ng pagtatapos ng kanyang tungkulin bilang Pangalawang Pangulo ng bansa.
Tiniyak naman ni Binay na magiging maayos ang pagsasalin ng pwesto kay Vice President-elect Leni Robredo sa kabila ng pagtanggi nitong mag-opisina sa Coconut Palace.
Inaasahan naman ang transition meeting sa pagitan nina Binay at robredo bago ang tuluyang pagsasalin ng pwesto sa Hunyo 30.
Kaugnay dito, personal na magpupulong sina Vice President Jejomar Binay at Vice President Elect Leni Robredo para sa turn over ng tanggapan
Ayon kay Undersecretary Benjie Martinez, hindi pa nila batid kung kailan mag uusap sina Binay at Robredo subalit nagsimula na aniya silang magbaklas ng mga gamit sa Coconut Palace
Samantala, tuluy tuloy ang paghahanap ng kampo ni Robredo ng mas murang tanggapan dahil mahigit Kalahating Milyong Piso umano ang gastos sa upa sa Coconut Palace
By: Drew Nacino