Pansamantalang isasara ng National Kidney and Transplant Institute sa Quezon City ang outpatient services nito simula biyernes, Enero a –7 dahil sa paglobo ng COVID-19 cases sa metro manila.
Ipinauubaya na rin ng pamunuan ng NKTI sa mga resident doctor ang desisyon kung ipagpapatuloy o ititigil ang operasyon ng mga private outpatient clinic.
Inabisuhan din ang mga pasyente na makipag-ugnayan sa kani-kanilang mga doktor kaugnay sa kanilang appointments lalo’t magpapatupad ng TeleHealth services.
Kahapon ay umakyat sa 5,434 ang karagdagang COVID-19 cases sa bansa sa gitna ng umiiral na Alert Level 3 sa Metro Manila, Cavite, Bulacan at Rizal.