Nakatakdang buksan muli sa Lunes ng ospital ng Imus ang outpatient services at scheduled operations nito.
Ayon kay Dr. Jennifer Roamar, ito ay kung hindi na madadagdagan pa ang COVID-19 cases dito.
Ani Roamar, nasa 38 COVID patients ngayon ang naka-admit sa ospital, habang okupado ang 80% ng Intensive Care Unit.
Bagama’t puno pa rin aniya ang emergency room at ward, napansin umano nilang wala na masyadong pasyente sa parking lot.
Dagdag pa ni Roamar, nakabalik na ang 75% ng 34 na health workers na nagpositibo sa COVID-19.