Nagbabala ang Department of Agriculture sa mga nagtitinda sa mga pamilihan na huwag magtakda ng presyo na mas mahal pa sa Suggested Retail Price (SRP).
Ito’y matapos nilang madiskubre na may mga nagtitinda sa palengke sa Metro Manila na ang presyo ay higit pa sa SRP.
Ayon kay DA Spokesperson Noel Reyes, sa kanilang pagiikot nadaanan nila ang ilang tindahan sa Kamuning market na nasa P160 ang kada kilo ng manok na mataas nang P20 sa SRP na P140
Naglalaro naman sa P300 hanggang P400 ang karneng baboy mas mataas kumpara sa P260 hanggang P290 habang ang kada kilo ng karneng baka ay nasa P400 gayong P380 lang ang SRP nito.
Kaugnay nito, hinimok ni Reyes ang publiko na i-report sa numerong 09772864799 0 09178500946 ang mga palengkeng nagtitinda nang mas mahal sa SRP.