Bumaba ang kabuuang antas ng krimen sa buong bansa sa loob ng unang limang buwan ng administrasyong Duterte.
Gayunman, inamin ng Philippine National Police (PNP) na tumaas naman ang murder rate o ang bilang ng mga napapatay dahil narin sa kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.
Ayon sa PNP, mula sa mahigit 81,000 kaso ng krimen na naitala noong isang taon, bumaba na ito sa 55,000 ngayong taon.
Subalit, tumaas naman ang bilang ng mga kaso ng pagpatay ng 51 porsyento ngayong taon kumpara noong nakalipas na taong 2015.
By Jaymark Dagala