Sinampahan ng kaso at pinatawan ng 90 araw na suspensyon ng tanggapan ng Pangulo si Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang.
Nag – ugat ang reklamo dahil sa pagsasapubliko ni Carandang ng bank statement ni Pangulong Rodrigo Duterte mula sa Anti – Money Laundering Council o AMLC na walang permiso.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ‘grave misconduct’ at ‘grave dishonesty’ ang ginawa ni Carandang.
Misleading aniya ang pahayag ni Carandang na galing ng AMLC ang bank accounts ng Pangulo na naglalaman ng dalawang daan at labing isang milyong piso (P211-M).
Matatandaang sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo na lumabag sa batas si Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang nang ilabas nito ang mga hawak daw nilang investigatory records ng Pangulo.
Paliwanag ni Panelo, nakasaad sa Saligang Batas na hindi maaring maglabas ng anumang rekord kapag mayroong iniimbestigahan dahil sisirain nito ang pagkakataon ng respondent para sa isang patas na paglilitis.
Malinaw din aniya sa ‘doctrine of immunity’ na hindi maaring sampahan ng kaso ang nakaupong Pangulo dahil magiging sagabal ito sa kanyang tungkulin sa bayan.