Sinibak na ng Office of the President si Overall Deputy Ombudsman Arthur Carandang.
Sa utos na pirmado ni Executive Secretary Salvador Medialdea, dinismiss na sa serbisyo si Carandang dahil mga reklamong graft and corruption at betrayal of public trust.
Sinasabing nag-ugat ang isyu sa paglalabas ni Carandang ng maling impormasyon na mayroong bilyun-bilyong piso sa bangko si Pangulong Rodrigo Duterte at pamilya nito.
Nauna nang sinuspinde sa pwesto si Carandang dahil sa naturang isyu.
—-