Itinuturing pa ring nasa “good” ng Commission on Elections o COMELEC ang election period na nagsmula noong April 14 at magtatapos sa May 21.
Ito ay sa kabila nang mahigit 20 naitalang election related violence sa nabanggit na panahon.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, hindi na lumolobo pa ang naturang bilang at inaasahan aniya nila na magpapatuloy ang ganitong estado ngayong araw ng barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Dagdag pa ni Jimenez, mayroon din silang mga natatanggap na ulat kaugnay sa “vote-buying” pero kanila pa itong kinukumpirma dahil kailangan pa ng mga sapat na ebidensya.
—-