Nagresulta ng pagkaunti ng isdang naha-harvest ang ‘overfishing’ na ginagawa ng mga barko ng China sa West Philippine Sea.
Ayon kay Edicio Dela Torre, presidente ng Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM), nangungunang rason ang mga aksyon ng China kung bakit kulang ang suplay ng isda sa bansa.
Matatandaang una nang inaprubahan ng Department of Agriculture (DA) ang pag-aangkat ng 60,000 metrikong toneladang isda kasama na ang galunggong, upang mapasigla ang suplay.
Ibinase ito pangangailangan ng bansa at epekto ng bagyong Odette sa iba’t-ibang sektor.—sa panulat ni Abby Malanday