Natapos na ang overhauling o pagsasaayos sa pitumput dalawang bagon ng Metro Rail Transit Line-3 (MRT-3).
Ayon sa MRT-3 management, matagumpay na naideploy sa mainline ang mga bagon sa tulong ng kanilang maintenance provider na Sumitomo-Mhi-Tesp.
Sinabi ng pamunuan na una munang isinailalim sa quality at safety checks ang mga bagon upang matiyak na ligtas itong ibiyahe sa linya ng tren at para masiguro ang seguridad ng mga mananakay.
Sa pahayag ng MRT-3, ang overhauling ng mga bagon ay bahagi ng kanilang maintenance program upang maibalik ang mas komportable at ligtas na biyahe ng mga komyuter.
Tiniyak rin ng MRT-3 ang mahigpit na pagpapaigting sa health and safety protocols sa buong linya, lalo na sa loob ng tren, upang maiwasan ang pagkalat ng covid-19.
Sa ngayon, nasa maayos na kundisyon at normal nang tumatakbo ang mga bagon sa linya ng MRT-3 mula North Avenue station sa Quezon City hanggang Taft Avenue station sa Pasay City.