Iimbestigahan na ng Department of Education o DepEd ang pagbili ng overpriced na razor o pang-ahit sa Northern Mindanao.
Ito ay matapos mapag-alamang aabot sa dalawanlibong piso (P2,000) ang presyo ng kada isang pang-ahit.
Sa inilabas na kalatas ng DepEd, nabili ang mga nasabing mga razors mula Abril hanggang Hunyo ng 2016 na gagamitin sa technical vocational livelihood ng senior high school.
Tiniyak ng DepEd sa publiko na hindi nila papayagan ang ganitong uri ng iregularidad sa pagbili ng nasabing mga gamit.
—-