Naghihinala si Isabela Representative Rodolfo Albano III na kumakalap na ng pondo ang Liberal Party (LP) para sa 2016 election campaign.
Ito’y matapos matuklasan ng House Committee on Metro Manila Development na inorder na imported license plates ng Land Transportation Office (LTO) sa ilalim ng P3.2 billion peso contract ay substandard at overpriced ng P1.51 billion pesos.
Ayon kay Albano, prinesyuhan ng nanalong bidder ng P380 pesos ang kada imported na plaka habang P200 pesos ang pinakamababang bid.
Dapat aniyang suspendihin ang kontrata habang iniimbestigahan ng kongreso ang kasunduan lalo’t napakamahal ng mga plaka.
Nagtataka si Albano kung bakit dapat gawin sa ibang bansa ang plaka gayong posible namang i-manufacture ang mga ito sa Pilipinas.
Iginiit ng kongresista na wala sa timing ang kontrata dahil marami ang maghihinala na gagamitin lamang ito bilang source of fund para sa halalan sa susunod na taon indikasyon naman na ginagawang gatasan ng ilang mataas na government official ang LTO.
By Drew Nacino