Pinagpapaliwanag na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Grab Philippines kasabay ng pagsisimula ng imbestigasyon sa umano’y paglabag ng nasabing Transportation Network Vehicle (TNV’s) sa accreditation nito.
Pinasisipot ng LTFRB ang Grab sa ipinatawag na hearing bukas makaraang magpataw ito ng minimum fare na P85.00 at additional stop base fare na P40.00 kapag nagpa-book sa platform nito.
Una nang inihayag sa Committee on Metro Manila Development ni Marikina Rep. Stella Quimbo, dating chairman ng Philippine Competition Commission (PCC) na nilabag ng Grab ang Competition Rules dahil sa sobrang singil sa customers sa kabila ng commitments sa regulators.
May kasaysayan anya ang grab ng overcharging sa customers nito at hinimok ang PCC at iba pang regulatory agencies na imbestigahan ang nasabing TNVs dahil sa pang-aabuso sa substantial market share ng TNVs industry.