MAAARING makulong ng hanggang 10 taon ang sinumang mapatutunayang sangkot sa overpricing ng Tocilizumab na ginagamit na gamot sa mga malulubhang kaso ng COVID-19.
Ito ang ibinabala ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire kasabay ng paglilinaw na ang suggested retail price o SRP sa Tocilizumab ay naglalaro sa 13,000 pesos hanggang 25,000 pesos. Maliban aniya sa pagkakabilanggo, maaari ring mapatawan ng mula P5,000 hanggang P1-M ang sinumang mapatutunayang lumabag sa SRP.
Samantala, aminado naman si Vergeire na nagkakaroon talaga ngayon ng kakulangan o shortage ng gamot sa harap ng pagsirit ng mga kaso ng impeksiyon sa buong mundo na dulot ng Delta variant.