NANAWAGAN ang mga lider ng recruitment industry sa mga overseas Filipinos na kwalipikadong makakaboto sa isinasagawang overseas absentee voting para sa May 9 presidential elections na maging mapagmatyag, sa gitna ng mga balitang nagkakaroon ng anomalya sa proseso ng halalan sa ibang mga bansa.
Kaugnay nito, hinimok ni Lito Soriano ang mga overseas absentee voters, lalo na ang mga overseas Filipino workers (OFWs), na protektahan ang kanilang boto.
Si Soriano ay isang recruitment consultant at presidente ng LBS E-Recruitment Solutions at president emeritus ng Philippine Association of Service Exporters, Inc. (PASEI), isa sa mga pinakamalaking asosasyon ng mga lisensyadong recruitment agencies sa bansa.
“We have received such reports and we are still verifying them. Nevertheless, I am calling on overseas absentee voters to be more vigilant to ensure the integrity and sanctity of their votes. Lodge a report or complaint immediately if you encounter any anomaly,” sabi ni Soriano.
Kumalat ang ilang mga video sa social media kung saan nagrereklamo ang mga OFWs tungkol sa anomalyang nangyayari sa overseas absentee voting na nagsimula noong April 9, 2022.
Reklamo nila na minarkahan nila ang bilog para kay Marcos sa balota ngunit hindi ito makikita sa voter-verifiable paper audit trails na lumabas sa makina pagkatapos maipasok ang kanilang mga balota.
“Sabi nila baka nagkamali daw ako ng shinade. Hindi ako magkakamali, si BBM ang binoto ko. Kung nagkamali ako bakit lahat ng senatoriables ko lumabas? Bukod-tanging ‘yung presidente ko lang ang hindi lumabas,” galit na sabi ng isang babaeng OFW.
“Kaya agad akong nag-file ng complaint sa taas. Hindi ito fake news dahil sa akin mismo nangyari,”dagdag ng isang babae sa video tungkol sa halalan na agad na nag-viral.
Hinakayat din ni Soriano na paigtingin ang kampanya upang masigurado na mananatili ang pangunguna ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.
“Let’s intensify campaigning to maintain BBM’s enormous lead – 60 percent lead. This will be record-breaking in the history of our overseas absentee voting. Let us campaign some more,” deklara niya.
“BBM does not let up in his tiring campaign, hence we should follow his lead. BBM deserves the massive support he is getting We continue to campaign to get more support for him from our OFWs,”dagdag pa ni Soriano.
Si Soriano na isang recruitment consultant ay bise president rin ng KBL-Sectoral Organizations, presidente ng BbM Lagi, – parallel-group na may mahigit 300,000 rehistradong coordinators at miyembro.
Siya rin ay co-convenor ng Alyansa Duterte Bongbong (AlDuB), isang parallel campaign group noong 2016 presidential elections.
Inaasahan din ni Soriano na magiging kakaiba ang mangyayaring halalan ngayong May 9 sa kasaysayan ng Philippine eleksiyon, si Marcos at ang kanyang running-mate na si Mayor Inday Sara Duterte ay makakakuha ng malaking kalamangan sa kanilang mga kalaban.
Tingin din niya na ang OAV voter turn-out ngayong eleksyon ay posibleng mas mataas ang turn-out keysa noong nakaraang mga halalan.
“With BBM’s enormous lead, this will be record-breaking in the history of our overseas absentee voting,” sabi ni Soriano.