“All systems go” na ang Commission on Elections (COMELEC) sa isasagawang overseas absentee voting (OAV) para sa mga rehistradong botante sa ibayong dagat.
Magsisimula ang botohan alas-8:00 ng umaga, oras sa host country, bukas, Abril 9 hanggang Mayo 9, ala-7:00 ng gabi, oras naman sa Pilipinas.
Tanging national positions o mula sa pangulo, pangalawang pangulo, mga senador at partylist ang iboboto ng mga Pinoy sa ibayong dagat.
Hinimok naman ni Commissioner Arthur Lim, Chairman ng COMELEC Office of the Overseas Voting Secretariat ang 1.3 milyong rehistradong Filipino overseas voter na lumahok sa isang buwang voting period.
By Jaymark Dagala