Kasado na ang pagsisimula ng overseas absentee voting ngayong araw.
Ito’y ayon kay Commission on Elections o COMELEC for Overseas Voting Director Elaiza David kung saan inaasahang maraming pilipinong nasa ibang bansa ang boboto.
Magtatagal ng isang buwan ang pagboto ng mga Pinoy sa ibang bansa at matatapos sa mismong araw ng eleksyon sa Mayo 13.
Samantala, tinatayang nasa halos dalawang milyon ang overseas voters ngayong halalan.
Karamihan sa mga ito ay mula sa Middle East at African region.