Magsisimula na sa Sabado, Abril 13 ang overseas absentee voting o ang isang buwang botohan para sa mga Pinoy na nasa ibang bansa.
Batay sa datos ng Commission on Elections (Comelec), mahigit 1.8 million ang nakarehistrong overseas absentee voters mula sa iba’t ibang bansa sa mundo.
Pinakamarami dito ay nasa Middle East ar African Region na sinusundan ng Asia Pacific Region, North at Latin America at Europe.
Ayon sa Comelec, maaaring bumoto ang mga overseas absentee voters ng labing dalawang (12) senador at isang party-list group.
Tatagal naman ang overseas absentee voting hanggang May 13, 2019, mismong araw ng eleksyon sa Pilipinas.
—-