Nanawagan ang Philippine Consulate sa Hong Kong sa mga botanteng Filipino na ikunsidera ang pagboto sa mga susunod na araw.
Ito’y makaraang humaba ang pila para sa Overseas Absentee Votingna nakatawag-pansin sa mga pulis sa gitna ng ikalimang COVID-19 surge sa Hong Kong.
Ayon kay Consul General Raly Tejada, magandang senyales para sa demokrasya ng bansa ang pagpila ng libu-libong Pinoy sa polling station sa Bayanihan Kennedy Town Centre.
Gayunman, ikina-alarma ng Hong Kong Police Force ang pagdagsa ng mga OFW dahil sa health at safety concerns lalo’t napakataas pa rin ng COVID-19 cases sa nabanggit na lugar.
Umapela naman ang Philippine Consulate sa Hong Kong sa mga employer na payagan ang kanilang mga empleyadong Filipino na bumoto ngayong linggo kung saan inaasahang mas kaunti ang mga tao.